Life Questions: Get to know a Landmark guard

enablePagination: false
maxItemsPerPage: 10
totalITemsFound:
maxPaginationLinks: 10
maxPossiblePages:
startIndex:
endIndex:

Here are answers to a few questions you may have always wanted to ask a Landmark guard. Photo by JL JAVIER

Manila (CNN Philippines Life) — When you go through Landmark department stores — whether to get to a transport terminal or to dine and shop — you’d notice the guards all decked out in costumes as they poke the inside of your bags.

The costumes are varied. Sometimes it makes sense — Santa Claus costumes during Christmas season, Chinese dresses during the Chinese New Year; other times, it’s just outright confusing — race car driver look (why?) or a Naruto ensemble (why not?).

Nevertheless, it hasn’t failed to amuse and entertain customers. Here are a few questions we asked one Landmark guard, who was dressed in a Chinese robe this time.

Naka ilang costumes na kayo?

One year and two months pa lang ako [sa trabaho]. So mga naka-lima o pito. Tapos, every two months kasi nagpapalit ng costume. Depende sa tema. Halimbawa ngayon, eto, pang mooncake festival.

Ano ang pinaka una mong costume?

Eto. Bale binalik na mga nakaraang taon pa. Eto din ‘yung una kong attire.

Ano na ‘yung mga ibang costumes na nasuot niyo?

Swiss guard, pang-racing, ‘yung red na may sombrero na parang jumpsuit, tapos pang soccer, ‘yung mahaba ‘yung medyas.

Ano pinaka gusto mo?

Swiss guard. Parang bongga siya tignan eh. Parang stripes siya na makapal na parang terno din siya na mahaba. Pinagtatawanan kami noon pero ‘yun ‘yung gusto ko.

Yung Swiss guard kasi ‘yung suot ko na ‘yung parang clown daw. ‘Yun ‘yung narinig ko sa customer. [Laughs]

Photo-3 (17).jpg Photo by JL JAVIER

Nung nag-apply ka ba sa trabaho na ‘to alam mo nang mag-ko-costume?

Hindi. Kinumpleto ko pa nga ‘yung [security guard na] uniform eh, may sumbrero pa ako. Pero ‘yung Landmark pala hindi nag-su-sumbrero … Diba makikita niyo sa ibang mall na nakasumbrero ‘yung guard, eh dito wala.

Ilang oras ka naka costume? At may break ka ba?

12 hours. 10 a.m. to 8:30 p.m. ‘Yung one hour [bago mag 10] nasa employees’ entrance. Hindi naman siya totally 12 hours. Halimbawa pasok kami dito ng 10, ‘yung break ko is 11:30. Forty minutes lang ‘yan tapos ‘yung coffee break 30 minutes. Tapos sa gabi pwede ka mag-break ulit ng 15 minutes.

Nakakaikot lang kami sa mall pag roving kami kasi sa halimbawa, ngayong October, lobby ako. Tapos sa sunod na buwan niyan, mag-re-reliever ako, bale i-ro-roving tapos i-we-warehouse — pinagpapahinga. Tapos sa susunod naman, pero ‘yung attire pinapalitan tapos iba naman ‘yung nagsusuot. Sali-salitan ito.

Sino nag-po-provide ng costume?

Landmark din. Binabalik namin ito after one month.

Ano 'yung next attire niyo?

London guard na naman ‘yung attire. May binigay na sa amin. Sa Oct. 15 pa namin masusuot. Hanggang December na daw ‘yun.

Ano suot niyo sa loob ng costume?

Type B. T-shirt na may tatak na Landmark tapos naka pants. Required na ganito kasi ‘pag nag-break hinuhubad namin ito eh kasi mahirap diba ‘pag kumain ka sa canteen naka-[costume], hindi pwede.

Magkano ‘yung sinusweldo niyo sa ganitong trabaho?

Sa agency ako sumusweldo. Sa akin mababa lang kasi mababa lang ‘yung oras ko [kasi] minsan late. [Laughs] Kaya ano, mga sinasahod ko mga nasa ₱9,000, ‘yung iba nasa ₱11,000 o ₱12,000.