Puki, regla, tinggil: Why we need to talk about the vagina

enablePagination: false
maxItemsPerPage: 10
totalITemsFound:
maxPaginationLinks: 10
maxPossiblePages:
startIndex:
endIndex:

“Pukiusap” — a wordplay between “puki” and “usap” — is the translated version of Liv Strömquist's "Fruit of Knowledge," a feminist comic book from Sweden that has straightforward information about the ways in which societies have historically oppressed women. Photo by JL JAVIER

Manila (CNN Philippines Life) — There were men in medieval Europe who took pride in being witch hunters. They would accuse women, strip them down in front of a crowd, and check if the women’s vaginas were the devil’s work. If these females’ vaginas had protruding inner labia, they were jailed or prosecuted.

Around this period, a French zoologist known as the father of paleontology, came across a female African slave, and according to him, the woman had extraordinarily large buttocks and a loose vagina. Because of this supposed anomaly, he displayed the slave in an exhibit in London and charged people who wanted to see the woman.

“It’s the horrors of being a woman in other countries,” says Bebang Siy, the writer and author who translated the feminist comic book from Sweden called “Fruit of Knowledge” into Filipino. Originally penned and illustrated by Swedish comic artist Liv Strömquist, the Filipino version, now known as “Pukiusap” — a wordplay between “puki” and “usap” — has straightforward information about the ways in which societies have historically oppressed women.

Siy says the book that has helped her the most in translating Strömquist’s work was “Kapag Walang Doktor Ang Kababaihan,” a book in Filipino that aimed to help women in rural communities in the Philippines that didn’t have proper access to medical information.

Photo-2.jpg “Pukiusap” includes a list of men in history, some revered for their contributions to science and culture, who were obsessed about vaginas. Some stories were from as early as the 18th century, while others were as recent as the 1950s. Photo by JL JAVIER

“It was like a medical book,” she explains. “‘Yun ‘yung isa sa mga guide ko na nakatulong sa akin ng malaki sa pagtalakay ng mga bagay-bagay dito [sa libro], lalo na nung bahagi na ng pekpek.”

“Pukiusap” also includes a list of men in history, some revered for their contributions to science and culture, who were obsessed about vaginas — from cutting of the clitoris so women can’t masturbate to using vaginas as proof of genetic inferiority. Some stories were from as early as the 18th century, while others were as recent as the 1950s.

While the majority of the information presented are things of the past, Siy says that it seems as though it still persists today, particularly in the Philippines, citing the recent incident where the police asked a female drug suspect to strip and bend over so they can check if she was hiding drugs in her vagina.

“Parang evolution lang siya ng mga nandito sa loob ng libro. May pekpek ka kaya gagawin sa iyo ‘yan. Bababuyin ka rin.”

CNN Philippines Life talked to Siy to know more about how “Pukiusap” came to be, the importance of using Filipino in delivering the message of the book, and how men like President Duterte and Senator Tito Sotto have made the struggles of the Filipina even worse. Below are edited excerpts from the interview.

Photo-11.jpg Bebang Siy is the writer and author who translated Strömquist's work into "Pukiusap." In her research, she found the medical book “Kapag Walang Doktor Ang Kababaihan,” which aimed to help women in rural communities in the Philippines that didn’t have proper access to medical information the most helpful. Photo by JL JAVIER

What drew you to working on “Pukiusap”?

Natuwa ako kasi walang ganitong klase sa Pilipinas, ‘no? ‘Yung ganito parang ‘di mo siyang iisipin na isang komiks. ‘Yun ‘yung maganda sa kanya eh. ‘Yung genre niya at saka ‘yung content niya putangina ang layo, ‘no? Sobrang galing nga sa pagdedesign ng akda na ‘to kaya nagustuhan ko din yung project.

Para siyang textbook of historical information. While you were translating the book, what was the most revealing to you?

Na parang ang tatalino ng mga scientist tapos ang tatanga nila. Napaisip ako talaga na ang talino talaga… parang namimili ‘yung talino ng tao. Matalino siya sa isang bagay pero pagdating dun sa rights ng kapwa mo, nalilimutan mo ‘yun? Diba? Nasobrahan ata sa IQ nawala na ang EQ … Unfortunately, ‘yung mga naging target ng experiment nila babae. ‘Yun ang nakakalungkot dun.

Dagdag ko pa diyan ‘no na inoperahan ‘yung isang five year old girl, tinanggalan ng tinggil dahil lang sa takot ng magulang na siya ay magmasturbate. This was in the U.S. na akala natin na napakaprogressive na ng mga tao tapos 1940s. Tapos hindi siya 300 years ago, recent lang.

A portion of the book also had a list of men who did many unnecessary things to the female vagina just to prove an experiment or a point. Do you think that these men were just a product of their time? Or is that something that could still persist today?

Alam mo, hindi ko masagot kung anong uri ba ng lipunan nila, ‘no? Pero may choice naman sila eh, but they chose to do that. Anong uri ng lipunan ang gagawa ng ganon? ‘Di siya product of the times, product ‘yun ng choices nila. Nag-decide sila. Halimbawa, ‘yung African. May isang slave, sobrang laki ng puwet niya, sobrang laki din ng pekpek niya, nakalawlaw na hanggang sa tuhod ... Ang ginawa niya pinatayo niya tapos naglagay siya ng sign, ‘pag pumasok ka dito may makikita ka na spectacular tapos nag-singil siya. Product ba ng time niya ‘yun? Hindi eh. Choice niya ‘yun eh. Ginawa niya pa rin.

Tapos namatay [‘yung African] tapos prineserve ‘yung parts niya ... Nasa France siya for a very long time tapos ayaw isauli ng France sa Africa kung saan talagang nagmula ang tao na ‘yun kasi feeling nila pag-aari nila ‘yun. ‘Yun ‘yung nakakatawa dun kasi ‘yan modern times na ‘yan. O diba, so hindi siya product ng times. Una, produkto siya ng desisyon ng isang tao and then nagsama-sama sila, mali-mali ang desisyon, tapos nakahawa na sila ng iba. ‘Yung iba naman, nag-decide sila na sundin ang mali.

… Anyway, na-silence lang talaga siguro ang babae ... Meron ding usapin ng slavery dun eh, so usapin siya ng malakas at mahina, nagkataon lang na mahina ‘yung slave kaya siya ginanon nung French ... So usapin siya ng power.

Photo-13.jpg "May choice naman sila eh, but they chose to do that," says Siy when asked if the men who chose to do many unecessary experiments on the vagina were simply a product of their time. "Anong uri ng lipunan ang gagawa ng ganon? ‘Di siya product of the times, product ‘yun ng choices nila. Nag-decide sila." Photo by JL JAVIER

But sa history ng mythology ng mga societies, namention din sa book na mas open ‘yung babae to their vagina.

Oo, sa mythology, malaya naman sila. Sila ay very expressive, kasama talaga sila kaya lang trinivialize ng mga ilang matatalino. ‘Yung problema kasi talaga mas malakas ‘yung tinig nung mali. Tapos hindi kasi nabanggit dito kung may nag-oppose ba na babae.

Yeah, more on how we were oppressed; not exactly on how it was fought.

Exactly. Parang serye siya ng diskriminasyon.

Hinihilight ng libro 'yung mga iba't ibang struggles ng kababaihan, yet you were able to inject a hilarious tone to it. Intentional ba ito or did you just stay true to Liv's nuances?

Kasi si Liv ang ano, ang tapang niya. Sasabihin niya na parang ang tone niya ganito, “Ang galing niyo ‘no? Ang tatanga niyo eh, sa sobrang galing niyo ang bobobo niyo.” Parang naiimagine ko siya kung papaano siyang inis na inis na inis at bobong-bobo sa mga taong binasa niya. I hope tama ‘yung basa ko doon sa mga part na nagpapatawa siya kahit naiinis siya. I hope tama ‘yung basa ko kasi doon ko nilagay.

Tapos may mga bahagi din diyan na parang gusto ko nalang rin magpatawa … Kasi iniisip ko dapat enjoyable ‘yung book. Parang ‘yun ‘yung dagdag ko dun sa original work, ‘yung parang I’ll make it more enjoyable. Kasi alam niyo walang silbi ang translation sa Pilipinas. Napansin niyo? We can read in English so bakit ka pa mag-papatranslate? So ang prinsipyo ko diyan, ang paniniwala ko diyan, kaya ka nagtratranslate is to make it more enjoyable sa reader.

How did you know when Liv was trying to be funny or matapang siya at certain parts?

Through the illustrations ... Pag binabasa mo kasi ‘yung parang “Tangina! Tangina!” parang ganon parang nagmumura siya dun sa loob kasi titignan mo rin doon sa situation na ‘to at saka sa situation ng kasunod at dun sa mga kasunod niya pang mga panel. Alam mong inis na inis na, alam mong sasabog na kaya alam ko na may mga ganyang damdamin si Liv sa kanyang mga sinusulat. At saka nakatulong din ang konting research na nakuha ko about her kasi sobra siyang active sa media. She also talks about her advocacies so alam mo na ‘yung mga gusto niyang i-convey na feelings dun sa mga lines niya.

What do you think did you add to the book through your translation?

‘Yung style, I also considered ‘yung language natin ngayon. ‘Yung language ng millennials. How they talk, ‘yung mga expression nila ginamit ko narin ‘yan. Kasi alam ko sila ‘yung unang babasa. At saka when I was translating, talagang nasa isip ko, siyempre, Pilipino ‘yung audience, na ibig sabihin kailangan mag-appeal ‘to sa senses nila. Hindi lang dahil may advocacy siya, hindi lang dahil tungkol din ito sa mga diskriminasyon na nararanasan din nga mga natin sa ibang anyo nga lang, kundi dahil nasa wika niya ang librong ito.

Photo-16.jpg "Pukiusap" tackles taboo topics like orgasm and regla. When asked about the value in the increase of conversations on such topics between women, Siy answers, "Ibig sabihin malaya na siyang magsabi kung ano ang nasa utak niya ... Ibig sabihin wala nang nag-didictate at wala na siyang pakialam sa sasabihin ng lipunan niya." Photo by JL JAVIER

“Pukiusap” also tackles orgasm and regla. Would you say na taboo topics pa rin ‘yun in the Philippines?

Oo naman … Marami kasi akong groups of female friends and ang pinaguusapan lang siguro namin problema sa boyfriend, asawa, pero never ‘yung orgasm, never. Siguro I haven't found the perfect friends? [Laughs] … OK lang ‘yun kasi nababalanse. May mga bagay kasi tayo na advanced tayo. Maraming nag-aaral na babae, maraming nagsasalita na babae, maraming nag-wowork na babae … So kung taboo man sa ganyang bagay at malayo pa ang ating lalakarin bago mapagusapan yan sa coffee shop at sa bus [Laughs], bagamat malayo pa, medyo OK palang din na na-babalanse nga sa ibang bagay.

If ever more women would be talking about these taboo topics, ano ‘yung halaga nito?

Parang sign lang siya o symptom ng isang bagay na na-achieve mo na o nangyari na sayo. So kapag hindi ka na nahihiya na sabihin whatever you want to say, even ‘yung pinakaintimate sayo, ibig sabihin super duper mega empowered ka na. So parang marker lang siya. ‘Pag nakakapagkwentuhan ka na sa bus tungkol sa orgasm, eh anong uri ng lipunan ‘yun? Ibig sabihin sobrang tolerant na siya sa lahat ng pwedeng gawin ng isang babae.

... ‘Pag sinabi mong dapat gawin nating common topic ang orgasm, sasabihin ng mga moralist, ‘pag ginawa niyong common topic ang orgasm sa mga babae, lahat ‘yan magiging manyak. What the fuck? What? Hindi! Ibig sabihin malaya na siyang magsabi kung ano ang nasa utak niya. ‘Yun lang ‘yun. Malaya na siyang wag mag-bra kung ayaw niya mag-bra, malaya na siyang wag mag-panty kung ayaw niya magpanty. Ganon lang ‘yun. Ibig sabihin wala nang nag-didictate at wala na siyang pakialam sa sasabihin ng lipunan niya.

During the process of making the book, siyempre presidente na si Duterte, marami na siyang nasabi tungkol sa kababaihan. Did that inform your process in any way?

Inisip ko ba si Duterte nung ginagawa ko ‘yung libro? Hindi! Pero nung lumabas na siya, parang gusto ko ihampas kay Duterte. Gusto kong sabihin, “Hoy basahin mo ‘to para maalala mo ‘yung puke ng nanay mo, ‘no.” ‘Yun talaga ang naisip ko nung lumabas ang “Pukiusap” kasi parang sobra-sobra. Parang saan na tayong mga babae? Kung babastusin tayo once, sige papalagpasin mo. Pero kung araw-araw mo nakikita ‘yung same pambabastos na gagawin sayo, talagang mageexplode ka eh. Eh eto sinasagad niya ‘yung pasensya ng mga babae. Parang sobra, sobra sobrang bastos talaga. At ang problema diyan, chinecheer siya. ‘Yun ang hindi natin matanggap eh.

... Sana mabasa niya ‘to. Sana mabasa ‘to ni Tito Sotto … Wala sa history natin [ang mga pambabastos sa kababaihan] tulad sa libro pero lumalabas sila ngayon. Si Tito Sotto, ‘yung mga rapist ni Pepsi Paloma, si Duterte. ‘Yun ang mga kalevel ng mga lalaki [sa libro]. Unfortunately, nagprogress na ang buong mundo, ‘yung sa atin, parang ngayon nag litawan.

***

“Pukiusap” (₱395) is available in bookstores or online.