How was Duterte’s first year of service?

We talked to vendors, students, and passersby about President Duterte’s first year in Malacañang so far, and how his governance could improve for the next five years.

 

Manila (CNN Philippines Life) — Outside Far Eastern University’s auditorium, where CNN Philippines held its third Town Hall on the Duterte administration, ambulant vendors sell books, peddle snacks, and offer “diplomas” to inquiring students and passersby.

While President Duterte’s cabinet secretaries speak of fixing train lines or resolving the crisis in Marawi, the citizens they are obliged to serve roam Morayta and go about their daily concerns, seemingly unperturbed by the way their lives will be shaped by the policies discussed in the university next door.

The citizen on the street, however, is just as articulate and politically-inclined as the Facebook activist or the armchair expert, and can express a distinct opinion on what the government does and what it should do.

A few minutes before CNN Philippines’ Town Hall, CNN Philippines Life talked to some citizens on the street (and inside FEU) to ask what they felt about President Duterte’s first year of service, and what his presidency should improve on. (We also asked some of them to grade him.)

Below are edited excerpts from the interviews.

Town Hall CNN Philippines Photo by JL JAVIER

Heidi, 21, food vendor

Binoto ko si Duterte kasi maayos siya mag-handle, ng tulad sa Davao.”

“[Ngayon,] parang mas lumalabas yung pagiging mahigpit niya, tulad ng sa pagpatay sa mga adik. Maganda kasi ngayon is may takot na ‘yung mga tao.”

Dapat ma-handle pa niya lalo ‘yung kapulisan, para mas kaunti na lang ‘yung mangyaring krimen. Parang hindi lang sigurong alam tanggapin ng mga nagki-criticize kay Duterte na … dapat hinahayaan lang nila si Duterte na gawin ‘yung dapat.

Bibigyan ko siguro siya ng grade na 95.”

Town Hall CNN Philippines Photo by JL JAVIER

Hissah, 19, communication undergraduate

“[Since Duterte was elected], marami pong nabago, actually. Pero in a negative effect po. ‘Di ba po ‘yung economy, makikita siya through ‘yung palitan ng dollars and peso. Eh nakita naman po natin na umabot siya ng ₱52, eh dati naman po, ₱44 or ₱45 lang po. Meaning po ‘nun, instead na tumataas ‘yung economy natin, bumababa po siya.

Isa pa pong factor kaya ko nasabing negative effect ay yung traffic natin. Bat di po niya makontrol yung traffic issue? Mas lalo siyang lumala.

Dalawa lang po ‘yung napansin ko sa kanya. Selfish po siya, ‘di siya nakikinig sa sinasabi ng karamihan, sa mababang sektor. ‘Yung airstrikes sa Marawi, bakit niya ba pinagpapatuloy ‘yung airstrikes doon? Madami na pong nanawagan sa kanya na itigil na po iyon.

Taga-Marawi po ako mismo, kaya masakit po ‘yung mga nangyayari.

“Ba’t niya sinasabi na walang EJK na nangyayari? Eh halatang-halata naman po, ‘yung European Union na mismo ‘yung nakialam sa atin para matigil ‘yung human rights violations.

Bibigyan ko siya ng below 50 na grade po. Hindi po ako against sa kanya, sa pamamahala po talaga niya.”

Town Hall CNN Philippines Photo by JL JAVIER

Dong, 72, book seller

Binoto ko si Duterte kasi parang nagustuhan ko lang ‘yung mga pangako niya [tungkol] sa droga. Nakursunadahan ko siya.

“Okay naman ang pamamalakad niya. Maganda ang mga pamamalakad niya sa mga tao, pulis, sundalo, sa mga hanapbuhay, mga project, tulad ng LRT.”

“Okay naman ang martial law sa Marawi.”

Bibigyan ko siya ng grade na mga 80 percent. Iboboto ko pa rin siya kasi nagustuhan ko ‘yung pamamalakad niya.”

Town Hall CNN Philippines Photo by JL JAVIER

Peter, 19, medtech undergraduate

“After one year, I think everybody naramdaman ‘yung projects niya. I think so far ginagawa niya ‘yung mga promises niya, tulad ng war on drugs.”

“[Pero,] ‘yung mga bad jokes niya, the way he talks, he should act like a president. Sa war on drugs, dapat may due process, dapat may justice pa rin, ikululong, hindi papatayin.

“75 ‘yung grade niya. Passing rate.”

Town Hall CNN Philippines Photo by JL JAVIER

Nila, 91, food vendor

"Ayaw ko kay Duterte. Hindi ako sang-ayon sa mga pinaggagawa nila sa drugs. Kung pumatay sila ng tao, parang pumapatay sila ng pusa at daga."

"Wala na rin naman akong inaasahan sa mga susunod na limang taon. Pare-pareho lang naman sa gobyerno eh. Ang importante lang sa'kin ay safe kami ng pamilya ko at makakapagkita pa rin kami lagi."

Town Hall CNN Philippines Photo by JL JAVIER

Fe, 39, store manager

"Duterte talaga ako kasi meron siyang paninidigan. Hindi siya kamukha ng ibang Presidente na salita lang."

"Doon sa drugs, doon talaga ako pinakahumanga sa kaniya. Napakadaming adik at snatcher, at dati takot na takot ako kapag nagji-jeep ako. Siyempre nagnanakaw sila kapag wala na silang pambili. Eh, parang wala namang ginagawa yung gobyerno dati para tugunan 'yun. Ngayon, mas kampante na ko."

"Siguro sana ang mas pag-tuunan pa ng pansin ni Duterte ay 'yung talagang kapakanan ng mga manggaggawa. 'Yung sweldo at benepisyo nila hindi pa natututukan."

Town Hall CNN Philippines Photo by JL JAVIER

Maurich, 21, communication undergraduate

“Nothing’s new. Feeling ko kasi nagwo-worse lang po ‘yung mga nangyayari. We all expected that change has come, to the point na makikita natin sa lahat, pero parang wala po. Hindi po siya excellent. Parang, okay [lang].

Dun sa lugar namin sa Pasay, maraming namamatay. Pero not necessarily na ‘yung mga dapat mamatay ‘yung namamatay. Mga nadadamay.”

Siguro ‘wag tayo mag-focus mismo sa pagpatay. Kulong, ‘wag pagpatay. Grabe ‘yung pagpatay.”

“85 siya. Pasado naman, pero average.”

Town Hall CNN Philippines Photo by JL JAVIER

Rodolfo, 63, cigarette vendor

’Yung martial law, napakaganda po. Naranasan ko ‘yan nung kay Marcos. Naglalakad ako noong araw, walang problema. Naging driver po ako, umuuwi ako nang maaga noong araw, walang problema sa mga daanan. Wala ‘yang mga sagabal sa [kalsada].

Pagbutihin pa niya sana ‘yung ekonomiya natin. Sa kasalukuyan, maraming tambay.

Kung sa akin lang, bibigyan ko siya ng grade na 100 percent.”

Town Hall CNN Philippines Photo by JL JAVIER

Risel, 19, business management undergraduate

“Okay naman siya, pero hindi lahat ng promises niya natupad. Maraming issues na nagpa-pop up, na parang biglaan. May mga issue na nakakasira kay President Duterte.”

May drugs pa rin. ‘Di ba sabi niya first six months. Pinromise niya nung election na peace, pero wala na masyadong Abu Sayyaf, eh parang mas lumala. Eh feeling ko kung si Duterte, dapat mas okay siya — kung tatanungin mo, yung Abu Sayyaf, Duterte sila — magkakaroon dapat tayo ng peace, pero hindi eh.

’Yung mga ‘di niya pag-attend sa important events … Independence Day, isa ‘yun sa pinakamahalagang event para sa atin, tapos ‘di siya pumunta.

Sa drugs, sana talaga … nababawasan naman, safe naman, siyempre sa akin na taga-Tondo. Mas safe naman, pero parang may kaunti pa rin. Feeling ko tumatahimik lang sila.”

“Si President, medyo magulo. Parang wala siyang masyadong consistency.”

’Yung grade niya 80.”

Town Hall Photo by JL JAVIER

Eddie, 40, book seller

“Okay naman ‘yung pamamalakad ni Duterte. Para sa akin okay na rin ‘yun, para mabawasan ‘yung mga masasamang elemento, gaya ng drugs, tapos ‘yung mga Maute na ‘yan, dapat mawala ‘yun.”

’Yung mga adik, nabawas-bawasan, pero meron pa rin.

“Siguro 1 to 10, bibigyan ko siya ng grade na 8.”

 

Town Hall Photo by JL JAVIER

Christian, 23, marketing management undergraduate

Maganda naman ‘yung pamamalakad niya, lalo na [pagdating] sa [issue tungkol sa] drugs. ‘Di tulad ng sa past governance na nag-focus sila sa isang aspect like economy. Pero si Duterte kasi, pinakita niya kung gaano siya ka-authoritative, the way he leads the country.”

Siguro kailangan niyang i-balance ‘yung lahat ng pangangailangan, like the economy, transportation, ‘yung mga pinangako niya before. Kasi nahalata naman natin na bumaba ‘yung ekonomiya ng Pilipinas sa pamamalakad niya.”

“I’d give him an 80.”

***

CNN Philippines Town Hall: The First Year of the Duterte Administration premieres tomorrow at 8 p.m. on CNN Philippines (Free TV: Channel 9; Cable: Channel 14).