CREATIVES-QUESTIONNAIRE

Lessons on storytelling from “Hello Stranger: The Movie” director Dwein Baltazar

enablePagination: false
maxItemsPerPage: 10
totalITemsFound:
maxPaginationLinks: 10
maxPossiblePages:
startIndex:
endIndex:

Following the success of her first three films, Dwein Baltazar directs her first commercial film with a genre that is inherently laden with tropes — and she doesn’t mind that. Photo courtesy of DWEIN BALTAZAR

Dwein Baltazar hasn’t been watching a lot of films for leisure lately. Unlike when she was younger, watching movies now somewhat feels like a task. So, when asked to cite the last great film she saw, she cites a title from three years ago: Hirokazu Kore-eda’s “Shoplifters.”

She says the film was visually stunning, but more than that, the gravity of its narrative held her in awe during its entirety.

“Kung ano 'yung power na hinold sa akin ng ‘Shoplifters,’ 'yun din 'yung gusto kong i-hold sa audience ng mga pelikula ko,” Baltazar says. “Ever since I was starting alam ko na lahat ng influences ko as a filmmaker — Wong Kar Wai, Miranda July, Richard Linklater — alam ko na hindi ko gustong maging sila. Ang gusto kong maging ay kung paano sila naging sa akin. Gusto kong maging ganoon ako sa ibang tao.”

At present, Baltazar’s opportunity to do so is with “Hello, Stranger: The Movie.” This is her first commercial work as a director. This, too, is the first film she directed that she didn’t write — and she finds comfort in that.

Jonee Gamboa and Marietta Subong (Pokwang) in Dwein Baltazar's "Oda Sa Wala." Photo from DWEIN BALTAZAR

Writing has always been part of Baltazar’s life. But even with years of practice and several films credited to her, Baltazar still finds it arduous. Not only does she have tons of distractions — BTS content included — there is also the fact that writing is often solitary. Despite brainstorming sessions and creative consultations, it’s always a battle within the writer’s head at the end of the day. In Baltazar’s own words, “yung writing masalimuot talaga siya.”

On the contrary, Baltazar finds solace in directing not because she’s better at it; in fact, she admits that she often doubts her directing skills. But it’s in its collaborative nature that she thrives in. This comes in handy in the making of “Hello, Stranger: The Movie.”

One of her concerns when she joined the project was the role of women in the history of Boys’ Love (BL), which, as you might know by now, originated from the female lens and was often a projection of female fantasies. And although she considers herself an ally, Baltazar acknowledges that there are things that she still gets wrong. It’s through collaboration on set, especially with series director and creative producer Petersen Vargas, that she’s learned to be more discerning of what is and isn’t offending.

Anthony Falcon and Iana Bernardez in Dwein Baltazar's "Gusto Kita with All My Hypothalamus." Photo from DWEIN BALTAZAR

“Nandoon si Petersen at si Maolen Fadul na production designer namin para i-call out ako indirectly. I don't think na naalala nila 'yung pag-call out nila sa akin pero na-se-sense ko na every time na nagkakamali ako ng hirit or ng pag-grasp of things, nandoon sila to correct me,” she says.

Before the release of “Hello, Stranger: The Movie,'' Baltazar talks to CNN Philippines Life about her interest in storytelling, what it’s like to make a film during the quarantine, and why thinking out of the box isn’t always the answer.

Congratulations on “Hello, Stranger!” Considering that it came from a different director and it already has a big following, how did you approach the material?

Siyempre 'yung unang takot kasi 'yun nga, parang nakilala na siya, may following na siya tapos BL pa siya na ang magiging director ngayon ay isang babae. 'Yun 'yung major concern ko noon. Reading the script, parang I knew na magiging different din naman siya from the series kasi this time magiging magkakasama na sila. Lalabas na sila so may confidence dun kasi parang different approach talaga siya in a sense na hindi ko i-mimic o gagayahin kung ano man 'yung naumpisahan nila sa series. May laya ako.

Kailangan ko lang ma-master kung saan iniwan nung mga characters 'yung mga sarili nila jumping to the movie. Hindi pa naman kasi masyadong buo 'yung look per se ng “Hello Stranger” dahil naglaro lang sila sa Zoom cinema, screen cinema. May buka, may openness pa on how to treat it. Although nung pinapanood ko 'yung series, very hip siya, very now, very bagets. 'Yung ganung feel — lagi ako sa pakiramdam eh. Ako 'yung klase ng direktor na laging sa pakiramdam humuhugot. Kung ano 'yung vibe na nakuha ko series, that's what I try to mimic.

Is there anything specific you've learned about being an ally or about the community through “Hello, Stranger?”

May specific na pagkakataon na parang nasa break kami tapos nagtanong ako kung bakla ba si ganito. Nung tinanong ko 'yun wala talagang sumagot. Tapos sabi ni Petersen, “Edi ask him.” 'Yung ganong klaseng callout lang. Kaya ko sinabing indirectly kasi it's not sitting down to say na “Dwein, mali 'to.” Alam ko with that na hindi mo na siya pwedeng gawin kasi mali na sila 'yung sumagot for him, mali na i-out mo siya. These are things I already know of. I know better, alam ko na 'yun, matagal nang conversation 'yun pero kung minsan na-ca-caught off-guard pa rin ako. Maraming little things na ganon sa set. Feeling ko hindi na nila matatandaan pero it's a learning experience sa akin na mas maging careful in these kinds of things.

JC Alcantara and Dwein Baltazar on the set of "Hello Stranger: The Movie." Photo courtesy of BLACK SHEEP

Aside from your commercial work, I think mas naging popular ka sa mga works na independent mo ginawa. “Hello, Stranger” would be your first na medyo light na film. There's also something I noticed when it comes to your filmography. Parang madalas 'yung central character mo sa mga pelikula na ginawa mo independently are women. Do you think that's deliberate?

'Yung lahat kasi ng mga independent na ginawa ko, pakiramdam ko hindi siya deliberate talaga. Kung ano lang talaga ang lumabas sa akin at that time. At that moment, dahil wala kang deadline, dahil wala kang taong pini-please at sarili ko lang, 'yun 'yung nasa mood kong isulat at that time. Iba kasi kapag marami ka nang kailangan isipin o hindi lang ikaw 'yung kailangan mong i-please, eh.

‘Yun din, ang heavy ng subjects nila.

Ito na-realize ko na lang right after doing “Oda sa Wala.” Na ‘yung mga pelikula ko pala ay may iisang theme. Bukod sa loneliness, tungkol sila sa mga tao na takot mapako sa isang lugar o sa mga taong hindi nakikita o sa mga taong kinakalimutan na. Tapos na-realize ko na itong mga themes pala na 'to ay lahat takot ko. Lumabas lang sila on paper, sa writing. Parang takot akong makalimutan. Takot akong hindi maalala. Takot akong mamatay. Lahat siya, nag-manifest doon sa mga una kong pelikula. Kapag nakilala mo ako, very light din akong tao. Masayahin ako. Lahat ng lumabas sa una kong tatlong pelikula, ayokong isipin na opposite ko siya. Gusto kong isipin na 'yun 'yung ibang side of me. In a sense, kapag nakikilala ako ng mga tao, sinasabi nila sa akin, bakit hindi ako magsulat ng comedy kasi nakakatawa raw ako. Mas nahihirapan akong isulat 'yung comedy kaysa sa “Oda sa Wala” o sa “Gusto Kita with All My Hypothalamus.” Mas drawn ako dun kasi feeling ko 'yung masayahing facade nagagawa ko na siya araw-araw. At 'yung unang tatlong pelikula, 'yun 'yung mga bagay na hindi ko basta mailabas at kailangan ko siyang ilabas. Doon siya nag-manifest sa pelikula.

In terms of creating those films, do you think of who will watch it?

Malinaw sa akin 'yung purpose ng mga ginagawa ko. With my first three films, wala talaga akong iniisip but my story and myself. Ako 'yung audience nun. Sinulat ko siya para ma-please ako kasi ako lang 'yung audience. 'Yung “Oda” dahil dinevelop siya under the mentorship of Sir Ricky [Lee], ang inisip ko ay paano siya mag-wo-work sa lahat ng mga napag-aralan ko sa workshop at paano magiging proud sa akin si Sir Ricky?

With the series na ginawa ko with iWant, malapit pa siya sa akin. Hindi ko rin masyadong insip 'yung audience pero kineep ko in mind na kailangan light and romantic siya. Kailangan mong ma-understand kung ano 'yung hinihingi sa’yo ng isang proyekto. So 'yung first three films ko naintindihan ko na film fest films sila at para sa akin sila. Pero kung sasabihan mo ako na mag-direk ako ng isang Vice Ganda film, eh di go. Alam ko kaagad 'yung kahon na ibinibigay sa akin. Kailangan mo lang malaman kung para saan ang isang proyekto tapos atakihin mo from there. Hindi ko siya nakikitang masama.

Laging welcome challenge sa akin 'yung kahon. Minsan 'yung tanong sakin, “hindi ka ba takot sa kahon?” Never ako natakot doon kasi pakiramdam ko pwede ka pa ring mag-laro with the kahon that is presented to you. Kung minsan nga mas nakakapagtrabaho ako kapag may restrictions kasi alam ko na agad kung ano 'yung mga babanggain ko. Ako 'yung bahala.

The cast of "Hello Stranger: The Movie" with director Dwein Baltazar and creative director Petersen Vargas, who directed the "Hello Stranger" series. Photo courtesy of BLACK SHEEP

Going back to “Hello, Stranger,” it was also done during the quarantine. What's the most challenging thing about making the film during this period?

Siyempre may protocols kaming sinusunod ngayon. Ang maganda sa protocols ay natutupad namin 'yung ilang hours ng turnaround. Apparently, pwede naman at kaya naman pala siya. So, hindi siya 24 hours na shooting like before. Hindi na siya patayan tulad ng dati. Well, ever since naman na nag-start ako na ako 'yung direktor, I make sure na makatao 'yung oras ng pack-up namin. Now, with the pandemic, in-impose talaga siya sa bawat production. Ngayon nakikita natin na kaya naman palang gawin. ‘Yun 'yung good na lumabas don. Sana mag-carry on 'to even if hindi na pandemic.

Ang hirap niya kasi ang protocols namin ay swab test tapos we do hotel quarantine. Tapos bibilang ka ng two weeks halos. Kahit mag-negative pa 'yung result mo kailangan mong bigyan ng another two weeks kasi baka nag-negative ka nga pero ang incubatioin ng virus ay 14 days. 'Yun 'yung gustong ma-make sure ng prod so kaya halos two weeks kaming quarantine talaga.

Location-wise, mas advisable na nasa iisang location ka lang. Delikado na 'yung bumaklas. Delikado na 'yung may limang location ka sa pelikula kasi kung saan saan pa dadalhin. With “Hello, Stranger,” contained kami sa isang resort. 'Yung protocols dun, bawal talaga kaming lumabas pati 'yung mga staff ng resort. Ganon 'yung galawan namin dun. Mahirap siya pero doable naman with the material. Hindi ko alam sa ibang prod. Hindi ko ma-imagine kasi mauubusan na rin tayo ng mga kuwento na contained lang, 'no? Ang audience maghahanap na 'yan ng hindi lang screen cinema o dalawang location lang, no? So, hindi ko alam kung paano pa 'yun malulusutan ng mga prod aside from ang hirap din mag-produce ngayon kasi wala namang mga sinehan. 'Yun 'yung isang malungkot dun. Hindi ko nga alam kung bakit may gumagawa pa. 'Yun 'yung tanong ko, bakit may gumagawa pa ngayon eh luging-lugi na lalo na kapag pelikula tapos prone to piracy pa ang streaming natin na bago pa lang?

Siguro ibabalik ko sa’yo ‘yun tanong. Bakit ka pa gumagawa ng pelikula ngayon?

Kasi wala akong ibang alam gawin. Ang alam ko lang gawin talaga ay mag-kuwento at magsulat. 'Yun 'yung sure ako. Minsan hindi ako sure kung kaya ko mag-direct. Kahit gaano ko ka-hate ang pagsusulat — love-hate naman ako sa pagsusulat — alam kong kaya kong magsulat. Parang doon ako babagsak lagi, sa pagsusulat at sa pagkukuwento. Ginagawa ko pa rin siya dahil 'yun lang 'yung alam kong gawin tapos ito 'yung bread and butter ko talaga. Ito 'yung bumubuhay sa pamilya ko. Kukunin ko talaga kung anong ibibigay sa akin. Ganon siya eh.

Miguel Almendras, JC Alcantara, Patrick Quiroz, and Vivoree Esclito in "Hello Stranger: The Movie." Photo from BLACK SHEEP

When did you realize that you can tell a story?

Sobrang bata pa lang ako parang gumagawa na ako ng komiks. Gumagawa na ako ng script tapos hindi ko alam na script na pala 'yun. 'Yung pang mga play. Naalala ko ang una kong script ginawa ko noong grade three ako.

Tungkol siya saan?

Tungkol siya sa ampon. Very soap opera na malalaman ng bida na ampon siya tapos may mababasag na baso 'yung nanay nung nagharap na sila ng anak niya. Pero naniniwala ako na kaya ko talagang magsulat nung high school ako. 'Yung teacher ko sa Filipino, sinabi niya sa akin na marunong akong sumulat. I needed that one person lang talaga. I feel na sa lahat ng tao kailangan lang talaga nila ng isang taong maniniwala sa kanila. Tapos kapag merong isang taong naniniwala sayo, ang laking bagay na nun eh. Panghahawakan mo 'yun. Ngayon kung minsan matatanga ako sa writing, I go back to my teacher nung high school tapos lagi kong maiisip na sabi sa akin ni Miss Renalyn, teacher ko sa Filipino, na magaling akong magsulat. So, magsusulat lang ulit ako.

Pero eventually, bakit pelikula?

Fourth year high school naman ako nung na-realize ko na gusto kong mag-pelikula. 'Yung UNTV dati, sobra niyang hip. Tapos nagpapalabas sila Quark Henares doon. “Strangebrew” at mga film and underground things nandon. Tapos nung nanonood ako one time, meron silang segment na “Eat My Short” 'yung title. Tapos puro siya short film. Doon ko na-realize na pwede akong mag-kuwento sa ganoon lang kaikling oras, parang one minute or two minutes. Sabi ko parang mag-wo-work sa akin kung gagawa pala ako ng pelikula. At least kaya ko palang gumawa ng pelikula. Nung una nag-start siya na gusto kong gumawa ng music videos tapos may short films pala. Ganon 'yung transition.

Do you always write? Do you make it a point to always produce something?

For myself, hindi pa ulit ako nakakasulat na para sa sarili ko kagaya ng sa una kong tatlong pelikula. Lahat ngayon ay para sa trabaho. So kailangan ko, deliverables talaga siya sa akin ngayon. Tapos siyempre as a storyteller, as an artist gusto mong ma-make sure na may ginagawa ka for yourself pero hindi pa ako nakakahanap ng time. Every time na matatapos kang magsulat parang pagod ka na para isulat 'yung gusto mong isulat so itutulog mo na lang muna siya. Or aalagaan ko muna siya ng mga anak ko. Personal debate talaga namin 'yan ng asawa ko. Nagagalit siya sa akin kapag hindi ako gumagawa ng para sa sarili ko. Pakiramdam niya kung puro trabaho na 'yung ginagawa ko at hindi na "art form" ko feeling niya nalilihis ako. Pero every time sinasabi ko sa kanya na I'd rather sleep na lang talaga kaysa gumawa ng art para sa sarili ko at this time.

Baltazar with "Hello Stranger" lead couple Mico (JC Alcantara) and Xavier (Tony Labrusca). Photo from BLACK SHEEP

And rest is very important to the process too.

Bukod sa rest, 'yung ligaw, 'yung tulala, 'yung brewing lang siya inside your head. Kung minsan kasi wala kang ginagawa pero nag-iisip ka. Long debate na rin 'to sa production eh. Ang writers ngayon kung minsan ay 'yung may pinakamababang talent fee tapos the rest ng nasa production per day sila. Parang hindi mo pwedeng i-per day ang writer kasi constant process siya eh. In that sense, mas madali mo siyang natatawaran kasi pakiramdam mo ito lang 'yung ginawa niya. Nakikita mo lang siya sa script. Parang 'yun lang pero 'yung buong proseso nun. 'Yung paglilimlim sa utak mo pati 'yung mga kapeng nagastos mo, hindi nila nakikita 'yun. Mahirap presyuhan 'yung isang bagay na hindi mo nakikita sa set. 'Yun 'yung struggle namin as writers.

Ano 'yung hopes mo for this film? Is there anything you want to achieve through this film?

Isang malaking statement na rin na ngayong Valentine's na ang offering ng ABS-CBN films isang BL movie. Sayang nga kasi kung hindi lang pandemic nasa sinehan kami. Sanay tayo na John Lloyd, Sarah, Bea, Kathniel pero this time, really? Dalawang lalaki 'yung offering natin ngayong Valentine's! Para siyang malaking step kasi may sumugal at nagtiwala at may nakinig na isang malaking network or kompanya kagaya ng ABS-CBN na malawak ang reach na pwede niyang ipakita at i-tell dito sa mga tao na hindi pa nakakita ng BL. It's a way of normalizing. It's something to celebrate. Ang baby step niya kung tutuusin pero it's a step towards a more accepting public.

***

Buy "Hello Stranger: The Movie" tickets here