ARTS

The magic and mystery of Manix Abrera

enablePagination: false
maxItemsPerPage: 10
totalITemsFound:
maxPaginationLinks: 10
maxPossiblePages:
startIndex:
endIndex:

Known for his humorous take on our daily struggles, Manix Abrera turns to the divine in his latest exhibition. Photo courtesy of GALERIE STEPHANIE

Manix Abrera still remembers the first comic strip he made for the Philippine Daily Inquirer 20 years ago.

“Basta nakasakay 'yung character sa jeepney. Traffic tapos naka-stoplight pa. Hindi niya alam kung bababa na lang siya para lakarin na lang. Eventually, naglakad na lang siya. Nung nakababa na siya, biglang umandar na lahat ng mga sasakyan. 'Yun lang,” Abrera recalls.

The komikero says the scene was culled from his own experience. And perhaps every commuter who’d see it would know the feeling well enough — the vexation and embarrassment, but also the situation’s hilarity.

The Kikomachine creator is one of the most prominent contemporary cartoonists in the Philippines. At the annual Komikon, Abrera gets one of the longest lines. “Para siyang comic god pagpasok na pagpasok pa lang,” artist Marian Hukom, who also presents her comics at the annual Komikon, tells me. And who wouldn’t want to have their Kikomachine books signed by Abrera? Not only does he sign the book or write a dedication on it, but he also often takes the time to get to know his fans and create a quick doodle for them.

Manix Abrera at his 2018 show at Galerie Stephanie. Photo courtesy of GALERIE STEPHANIE

But even non-fans have probably seen Abrera’s works. An encounter is inevitable. His strip is still regularly published in the broadsheet as well as on another news site. Some would have seen his work while curiously reading the nutrition facts on the packaging of a local chip brand. And his work — often a slice of daily life laced with humor — easily resonates with readers.

But with current movement restrictions, Abrera couldn’t perform his usual routine of watching people outside. “Dahil hindi ako nakakalabas, nag-concentrate talaga ako sa cosmos,” he says.

In his ongoing exhibition at Galerie Stephanie titled “Samantala, Ikaw at ang Hiwaga,” Abrera turns to the divine. Here, he draws his familiar characters as the archetypes of a tarot deck. Aside from the 78 tarot cards, Abrera also created smaller auxiliary artworks.

One is a piece depicting two overlapping angels evoking both positive and negative energies. At the point where their bodies intersect is the cosmos. During the virtual tour of the exhibit, Abrera says that the artwork encapsulates the spirit of the entire show. That deep within all of us are the mysteries of the cosmos.

In this interview, Abrera discusses what drew him to mystic elements, where he finds his stories, and why humor is important in comics.

Pwede mo bang ikuwento ‘yung simula ng exhibit?

Nung bata kasi ako, si papa sobrang dami niyang books tungkol sa mga supernatural, sa mga occult. Mahilig siya noon, nung binata raw siya. Maliit pa lang ako binabasa ko na 'yun. Interested na ako sa mga magic at misteryo. Noon pa talaga ako interested sa tarot eh kahit hindi ako marunong magbasa. Na-attract ako sa tarot kasi ang dami kong hindi maintindihan. Marami akong books about it, kung paano siya basahin, kung paano siya nagsimula, sino 'yung mga artist behind them, sino 'yung mga nagsulat. Dati ko pa naisip na masarap gumawa ng sariling tarot deck.

Nung isang exhibit ko sa Galerie Stephanie rin, sabi nila sa akin na maganda na 'yung next exhibit ko mag-focus sa maliliit na artworks. Tuwing nag-e-exhibit ako, gumagawa ako ng maliliit at extra large na artworks pero parang gustong-gusto ng mga tao 'yung maliliit. Tapos sabi nila pwede ka pala gumawa ng show na talagang maliliit na artworks talaga. Tapos doon ko naalala na matagal ko nang gustong gawin 'yung tarot.

Bumili ako ng deck tapos hindi ko siya shinuffle. Gusto ko kung paano ko siya kinuha 'yun din 'yung sequence ng gallery kung paano ko siya i-e-exhibit. Kung shinuffle ko na kasi, baka mahaluan na siya ng kung anumang galing sa akin. So, mas maganda na galing sa universe 'yun 'yung i-sh-share ko sa lahat.

Photo courtesy of GALERIE STEPHANIE

Bukod sa mga libro ng papa mo, ano pa ‘yung naging impluwensiya sa relasyon mo sa hiwaga?

Bukod sa mga libro ni papa, madalas din kaming umuwi sa probinsya. Siyempre lagi kaming nakukuwentuhan ng mga lolo't lola namin ng tungkol sa mga white lady tsaka tungkol sa mga manananggal. Kahit na takot na takot ako, gandang-ganda ako sa mga na-i-imagine ko. Tapos may mga experience din kami na feeling namin minumulto kami. Ini-imagine ko lang pero ang ganda so talagang gustong-gusto ko siya.

Si mama naman gumawa ng masters thesis tungkol sa mga anting-anting. Grade school ako noon tapos ang daming anting-anting dito sa bahay. Tapos kinukuwento niya sa akin kung anong ginagawa ng mga 'yun. Pinag-aralan niya yung mga paniniwala sa agimat at anting-anting.

Bata pa lang ako na-immerse na talaga ako sa ganoong experience. Napakaganda ng hiwaga. So, lumalabas talaga siya sa mga comics ko at sa mga kuwento. Ang ganda niyang i-share sa lahat kasi I'm sure na bawat isa sa atin may kuwentong mahiwaga na sayo lang nangyari na ikaw lang makakapagkuwento.

Ang dami ngang fantasy elements sa mga gawa mo. Deliberate ba ‘yung paggamit ng fantasy elements o natural lang na lumalabas?

Para sa akin natural lang, hindi ko siya sinasadya. Kapag nag-iisip ako ng story madalas may makikita lang akong iisang scene na gusto kong i-drawing lalo na sa mga wordless comics na ginagawa ko. Meron lang akong isang scene na nakikita na gusto kong gawan ng kuwento. Pwedeng siya 'yung beginning, pwedeng siya 'yung middle, siya 'yung end. Basta may scene. tapos madalas may something na mahiwaga sa eksena na 'yun.

'Yung isang example niyan, kapag may nakikita akong tao na naglalakad sa mga forest. Naiisip ko maraming buildings na nakabagsak tapos may mga giant trees na may mga kapre sa taas. Naninigarilyo 'yung mga kapre, 'di ba? Tapos may mga embers, may mga upos na nahuhulog. Parang snow sila pero apoy. Gustong-gusto ko 'yung scene na 'yun hanggang na-develop ko siya sa isang story na parang post-apocalyptic future na scavengers na 'yung mga tao tapos biglang may mga kapreng darating. Magtatago tayo sa mga building tapos naninigarilyo lang sila sa taas. Tapos naglalakad-lakad tayo sa mga upos. Lumabas 'yun sa “14.”

"Temperance" by Manix Abrera. Photo courtesy of GALERIE STEPHANIE

May mga regular strip ka for Inquirer at GMA News. Sabi mo ginagawa mo ‘yung bawat card sa loob ng two hours. Paano ‘yung proseso mo para sa mga project na kagaya nito?

'Yung Kikomachine at News Hardcore 'yung mga regular ko talaga na kailangan gawin. May schedule talaga ako, may deadline. Tapos lahat ng ibang projects ko, personal man o pang-exhibit, gagawin ko 'yan after magawa 'yung deadline. Gabi 'yan madalas hanggang madaling araw. Itong mga tarot ginagawa ko ng 11 p.m. hanggang 2 a.m. 'Yun 'yung time ng paggawa ko sa kanila. Tapos isa o dalawa kada gabi.

May mga cards na i-pe-pencil ko na tapos pagod na pagod na ako. May mga cards naman na mas mabilis i-drawing. Hindi ko rin alam kung bakit pero napansin ko na hirap na hirap ako at talagang nag-fo-focus ako sa facial expressions ng characters. 'Yun 'yung kinarir ko talaga. Hindi siya mapapansin ng karamihan kasi 'yung characters ko dalawang dot lang tapos may linya lang. Kinakarir ko talaga siya kasi kung titignan mo talaga may mga subtle effect siya sa viewer. Parang malungkot siya pero may inner peace na medyo masaya rin naman. 'Yun 'yung gusto kong emotions na i-drawing. Hindi ako nag-do-drawing ng emotions na masaya lang o malungkot lang o naiinis lang. Laging may halong something.

Paano mo 'yun nagagawa?

Hindi ko rin alam. Parang habang tumatagal napansin ko lang na gustong-gusto kong nag-fo-focus sa facial expressions eh. Gamit na gamit ko 'yan talaga sa comic strip ko na Kikomachine. Talagang doon ako na-practice na karirin talaga 'yung facial expressions. Nung nag-start akong gumawa ng comics, exaggerated lagi 'yung expressions. Parang “woooo ang saya” o “aaaargh” kapag naiinis. Pero nung tumagal ako parang na-realize ko na ang sarap gumawa ng expressions na pinaghahalo ko. Naiinis na medyo masaya. Galit na medyo in love. (Laughs) Parang hinahalo ko. Habang sini-simplehan ko 'yung drawing, mas humihirap siya for me na i-drawing. Doon talaga ako natutuwa lalo na diyan sa mga tarot.

May mga cards diyan na kunwari may isang card na nakalimutan ko na 'yung title pero wands siya. May mga stick tapos may isang sundalo na battered na siya eh. Pero doon sa original tarot kasi kung titignan mo 'yung expression niya, hindi mo alam kung galit ba siya o pagod na pagod talaga. Ginawa ko siyang akin sa pamamagitan na inisipan ko siya ng expression kung ano ba 'yung na-feel ko sa card na 'yun. Ang ginawa kong expression pagod na siya pero hindi siya sumusuko. Sa akin lang 'yun. Hindi ko 'yun ine-explain sa reader na ito 'yung dinrowing ko pero para sa akin 'yun 'yung iniisip ko habang dino-drawing ko. Talagang kinakarir ko 'yung expression na 'yun. Paano ko ipapakita na pagod na ako pero hindi ako susuko? (Laughs) Kapag nag-do-drawing ako, ginagawa ko siya, pinapakiramdaman ko siya sa mukha ko. So, halos lahat ng cards ko sa tarot ganon.

Installation view of "Samantala, Ikaw at ang Hiwaga." Photo courtesy of GALERIE STEPHANIE

Ang distinct nga ng character design mo. Paano mo nahanap 'yun?

Chamba lang 'yun. (Laughs) 'Yung mga dati kong drawing, sa mga unang Kikomachine, mapapansin mo na sobrang detailed ng drawing ko sa characters eh. Habang tumatagal, nagkaroon ng time na mag-the-thesis na ako… kasi undergrad pa ako nung sinimulan ko 'yung Kikomachine eh. Nag-isip ako ng paraan kung paano mag-drawing na mabilis lang. Gumawa lang ako ng medyo level up lang na stick person tapos outline lang ng tao. Tapos kinarir ko na nga 'yung facial expressions. Tapos nakita ko nag-resonate sa soul ko 'yung style na 'yun. Binalik-balikan ko siya hanggang sa na-develop ko siya na hanggang ngayon ginagamit ko pa rin siya.

May mga pieces na hindi kasama sa deck ng tarot. Katulad ng “Melencolia Komix” na inspired sa “Melencolia I” ni Albrecht Durer. Na-mention mo na may malalim na kwento tungkol sa sequencing non. Pwede mo bang i-share 'yun?

Pero para sa akin lang 'yun, ha. Hindi ko sinasabi na ito 'yung tamang kwento dun. I'm sure na kapag may ibrang reader na tumingin, may ibang story silang mabubuo. Para sa akin, 'yung kwento ng “Melencolia” parang pursuit of knowledge siya eh. Kapag pinanganak ka, gusto mong tumalino. Gusto mong maging knowledgeable hanggang mahanap mo na 'yung knowledge na 'yun. So nandoon ka na sa gitna na parang ang dami mo nang alam tsaka ang dami mo nang kayang gawin. Tapos ma-re-realize mo na napaka-important ng time at napakahiwaga ng cosmos. Once na ma-realize mo 'yun, makikita mo na child of the universe ka hanggang sa ma-re-rest na 'yung soul mo.

Ang deep. May card ba na meron kang special connection?

'Yung High Priestess. Nung ginagawa ko siya, kakaiba 'yung pakiramdam ko. Ang saya ko nung dino-drawing ko siya. Nung binabasa ko kung tungkol siya saan, nakita ko na tungkol din siya sa creative freedom. Feeling ko binulungan ako mismo ng High Priestess. Kaya 'yun 'yung card na i-ke-keep ko for myself.

The High Priestess by Manix Abrera. Photo courtesy of GALERIE STEPHANIE

Nauna ka sa comics bago mag-exhibition. Hindi ba parang iba 'yung requirement ng comics sa exhibition?

Para sa akin 'yung ginagawa ko for exhibitions, hindi ko siya hinihiwalay sa comics. Lahat ng works ko sa exhibition tali sa comics. Kahit 'yung mga artworks ko na malalaki na standalone artworks lang, nag-start 'yun sa isang kwento for the comics. Lahat 'yun nag-root muna sa comics. Tsaka lahat ng drawing ko, lagi siyang may story for me.

Kung mapapansin niyo 'yung mga artworks ko, may tinatawag na pregnant moment. Nabasa ko lang 'yun somewhere. Parang kung minsan, kapag nasa kalagitnaan ka ng something, ma-iimagine mo agad 'yung before that moment tsaka after that moment. Kadalasan ang artworks ko, parang ganon. Gamit na gamit sa comics 'yung ganong klaseng moments. Lahat ng pang-exhibit ko, para sa akin comics pa rin 'yun eh. Hindi ko iniba 'yung pag-iisip ko o 'yung mga drawing ko para sa exhibition. Kahit 'yung tarot mismo, ang tingin ko sa kanya comics eh. Sequence siya ng artworks eh. Pwede mo siyang basahin na standalone, pwede mo siyang basahin na two pieces lang na magkasunod, pwedeng tatlo. Ikaw ang bahala kung anong sequence nila. Pwede mong basahin na isang buo na dere-derecho.

Kailan mo na-realize na gusto mong maging katulad ng dad [Jess Abrera] mo?

Bata pa lang ako gusto ko nang maging artist. Hindi ko alam kung anong klaseng artist pero alam ko na gusto kong maging kagaya niya. Pero college na ako noong na-realize ko na gusto kong maging cartoonist. Nag-start siya sa Collegian. Doon ko na-realize na gusto kong mag-comics talaga.

Kapag tinatahak 'yung path ng arts, laging may conception na mahirap i-sustain. Sumagi ba 'yun sa isip mo?

Bata pa lang ako 'yun na 'yung warning agad sa akin ni papa. Kung gusto mong i-pursue 'yung career mo sa art, dapat hindi mo iniisip 'yung pera. Hindi mo iisipin kung yayaman ka ba. Gagawin mo siya kasi ito 'yung nasa puso mo. Ready talaga ako noon. Nung nag-start ako mag-comics, hindi ko iniisip 'yung pera. Sabi ni papa, basta galingan ko lang. Bonus na 'yung lahat. Nung nakarami na ako ng books tsaka dumating 'yung na-su-sustain na ako. Hindi ko naging goal 'yung sumikat o kumita kasi once na 'yun 'yung mangibabaw nakakatakot eh, baka masira 'yung puso.

'Yung mga comics mo madalas humorous sila pero at the same time they tackle the realities of our lives. Saan nanggagaling ‘yun?

Ako kasi personally mahilig ako sa humor. Gustong-gusto ko talaga na natatawa ako. Tapos nakita ko na napakagandang weapon ng humor. Pwede kang mag-criticize using humor. Pwede kang mag-call for change using humor. Napakahirap niyang gawin. Paano ka magpapatawa kung asar na asar ka na sa nangyayari? (Laughs) Naging challenge siya for me. Lagi kong pinaglalaruan 'yung subtlety tsaka power of suggestion. Kung mapapansin mo, 'yung mga comics ko napaka-suggestive niya lalo na kapag maraming pangyayaring nakakainis. Sobrang suggestive ng comics ko pero bahala na 'yung reader na mag-interpret.

Bukod sa tatay mo, ano pa ‘yung mga factors na nakakaapekto sa pagkukuwento mo?

Si mama history professor naman siya. Tapos lagi niya kaming kinikwentuhan. Sa kanya ko nakita na bawat isang object ay may iba-ibang point of view 'yan. Usually, nag-co-concetrate lang 'yung mga tao sa mga sikat na pananaw pero napakaganda pala ng iba pang pananaw tungkol dun. Mas lalalim pa 'yung kaalaman mo sa mga bagay-bagay. Nakuha ko kay mama 'yun.

Kapag nagkukuwento ako, lagi kong sinusubukang ikuwento sa ibang point of view. Kunyari dun sa silent comics ko na “14,” tungkol siya sa mga mythological creatures ng Pilipinas. Hindi ko sila ginawang nakakatakot. Ginawa ko silang bida. Kung hindi man sila 'yung bida o nakakatakot man sila, maiintindihan mo kung bakit. Kunyari may tiyanak na umiiyak sa inodoro, 'yun pala 'yung dream niya kasi ay magkaroon lang ng pamilya na mag-a-accept sa kanya kaya siya umiiyak sa inodoro. O kaya may manananggal na nahahati tapos umiiyak siya kasi hindi na siya makakapaglaro. Iniiba ko 'yung point of view. Kay mama ko 'yun nakuha.

[Noong nasa Collegian naman ako], pinakamalaking naturo sa akin nun ay dapat laging may content 'yung drawing mo. Laging sinasabi sa akin 'yun ni papa pero 'yung Collegian talaga 'yung nagdikdik nun kasi ang titindi ng editors namin dun. Talagang hindi papasa 'yung gawa mo kapag walang sinasabi. Kaya dapat kahit anong ginagawa ko, dapat meron akong sasabihin kahit maliit lang.

VII of Cups by Manix Abrera. Photo courtesy of GALERIE STEPHANIE

Ngayong pandemic since hindi nakakalabas para gawin 'yun regularly. Paano naapektuhan ng pandemic 'yung creative process mo?

Dahil hindi ako nakakalabas, nag-concentrate talaga ako sa cosmos. (Laughs) Sanay akong mag-drawing sa labas tapos ngayon nasa bahay ka lang dapat. Nahirapan talaga ako. Mas pinagana ko talaga 'yung imagination ngayon.

Anong binabasa mong libro ngayon?

“Unkind” ni Charlie Kauffman.

Tungkol siya saan?

Weird 'yung kwento niya. Film critic siya tapos may napanood siyang isang pelikula na siya pa lang 'yung nakapanonood sa buong mundo. Eccentric 'yung filmmaker na 'yun. Nung napanood na ng critic, biglang namatay 'yung filmmaker tapos nasira 'yung copy ng film. Siya lang 'yung nakakita ng film na 'yun, so paano niya i-shi-share sa world 'yung napanood niya?

Sa paggawa ba ng exhibition na 'to, meron pa bang ibang naging influences?

Si Allan Moore. Writer siya ng comics. Gustong-gusto ko 'yung comics niya na “Promethea.” Ang ganda ng story nun. Tungkol siya sa magic. Tapos ang ganda ng pag-present niya sa magic in comics form. Hindi dahil sa technique lang pero ang dami niyang na-e-evoke.

Ano ‘yung last memorable na comic strip na nabasa mo? At bakit siya maganda?

Hindi naman last pero isa talaga sa mga favorite strips ko 'yung “Calvin and Hobbes.” Napakasimple niya lang pero ang lalim-lalim ng mga sinasabi niya. May isang strip akong naalala na ang daming putol na puno tapos sabi lang ni Calvin kay Hobbes na baka kaya hindi pa tayo nakaka-experience ng mga aliens kasi umiiwas sila sa atin. Napakasimple lang pero napaka-strong.